Mga alaala ng matamis na pagibig sa gitna ng isang digmaan. Ito ang buod ng tula na ito. Isang kawal na inilayo sa kanyang kabiyak dahil sa digmaan alang-alang sa mahal na bayan. Ang puso at damdamin ng kawal na ito ay nahati din sa mahal na asawa at sa inang bansa. Hindi mawawala sa isip at puso ang mga matatamis na ala-ala ng nagmamahalang magsing-irog. Ngunit minsan, darating ang panahon na kailangan ding lumayo sa isat-isa upang tuparin ang isang tungkulin para sa bansa.
Ang tula na isinulat ni Miklos Radnoti ang napili ko sapagkat ito ay isang napakagandang aral tungkol sa pag-ibig at digmaan. Dito ipinapakita ang sakit, kirot kung mawalay ka sa iyong minamahal. Ang tula na ito ay nagsasalarawan ng isang totoong pangyayari noong mga nakaraang digmaan. Ang pag-ibig ay hindi lang palaging masaya, kung hindi kasama din ang sakit at kirot sa puso na nakakaiyak kahit anong tapang ng iyong pagkatao. Ang digmaan ay may dahilan kung bakit ito kailangan. At kahit hindi ito maganda, minsan sadyang ginagawa ng bawat bansa upang makamit ang mga adhikain at pagmamahal sa sariling bayan o bansa. Sa tula na ito, Serbia ang lumaban. At ito ay maaari ding mangyari kahit sa ating sariling bansa.
Ang sinisimbolo ng tulang ito ay ang hirap ng buhay noong Panahon ng digmaan. Ang pagkakalayo ng isang mandirigma sa kanyang pamilya, ang mga ala-ala na tanging tangay ng isip at puso habang nakikipaglaban ang kawal na ito.